Ang Laos (bigkas: /ˈlɑː.oʊs/, /ˈlaʊs/, or /ˈleɪ.ɒs/), opisyal na tinatawag na Lao People's Democratic Republic o Demokratikong Repuklika ng mga Lao, ay isang walang daga na bansa sa Timog silangang Asya, na naghahanggan sa Burma at Tsina sa hilagang kanluran, sa Vietnam sa silangan, sa Cambodia sa timog. at sa Thailand sa kanluran. Ang kasaysayan ng Laos ay nagmula sa Kaharian ng Lan Xang o "Lupain ng Milyong mga Elepante", na nabuo noong ikalabing apat na dantaon hanggang ikalabingwalong siglo.Pagkatapos ng panahong ng pagiging protectorate o kolonya ng Pransiya, nakamtan nito ang kalayaan noong 1949. Isang mahabang digmaang sibil ang nagwakas nang ang makuha ng Kilusang Komunistang Pathet Lao ang kapangyarihan noong 1975, subalit ang protesta sa pagitan ng dalawang magkatunggaling paksiyon ay nagpatuloy parin sa mga sumunod na taon.