Sagot :

Answer:

Ang araling panlipunan (Ingles: social studies) ay isang katagang naglalarawan sa isang malawak na mga pag-aaral sa iba't ibang larangan na kinakasangkutan ng nakaraan at kasalukuyang pakikipag-ugnayan at kaugalian ng mga tao. Sa halip na nakatuon sa lalim ng alin mang mga paksa, nagbibigay ang araling panlipunan ng isang malawak na buod ng kaugalian ng sangkatauhan. Kinikilala ang araling panlipunan bilang pangalan ng kurso na tinuturo sa paaralang elementarya at mataas na paaralan, ngunit maaaring tumukoy din ito sa pag-aaral ng partikular na aspeto ng lipunan ng tao sa ilang kolehiyo sa buong mundo.