Magtanong at makakuha ng maliwanag na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

kultura sa pagaasawa ng muslim​

Sagot :

Answer:

Ang iba’t ibang relihiyon ay mayroong iba’t ibang pamamaraan sa pagdiriwang ng kasal. May sari-sariling mga batas o kundisiyon din mga relihiyon kung saang nagiging base siya sa pag-approba ng pagkakasal ng dalawang tao. Ang mga Muslim, tulad ng ibang relihiyon, ay may kanilang sariling tradisyon pagdating sa kasal. May mga kondisyon sila na dapat sundin upang tuluyang maikasal.

Ang pagkakasal ay kailangang daluhan ng dalawang saksi o higit pa, na mga lalaking Muslim na makatarungan. Kailangan din ang mga saksing ito ay mga mapagkakatiwalaan at mga umiiwas sa mga malalaking kasalanang gaya ng pangangalunya, pag-inom ng alak, at mga tulad nito.

Kailangang may Mahr o dowry na ibibigay. Ito ay ibinibigay ng lalaki sa babaeng kanyang mapangangasawa at hindi para sa magulang o mga kamag-anak ng babae.Ang itinatagublin sa Mahr ay dapat kaunting halaga ito at kapag lalong kaunti at maliit ay lalong mainam. Ang Mahr ay tinatawag ding Sidiq. Sunnah na banggitin ang halaga o uri nito sa sandali ng pagkakasal at madaliin ang pagbibigay nito kasabay ng pagkakasal. Tanggap din na ipagpaliban ang pagbibigay ng Mahr o ng bahagi nito sa napagkasunduang panahon. Kung sakaling diniborsiyo ng lalaki ang kanyang maybahay bago niya nakatalik ito, kukunin nito ang kalahati ng Mahr. At kung sakali namang namatay ang lalaki bago niya nakatalik ang babae matapos na naisagawa ang kasal, may karapatan na ang babae na magmana sa lalaking ito at makakamait niya nang ang Mahr.

Explanation:

If my answer helps you, pa brainlest thankyou!

Explanation:

if my answer help you,pa vrainlest thank you!