Suriin ang IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong sa iba't ibang paksa. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.

Nag-aaral ___ isang kanta ang aking kaibigan para sa kanyang kaarawan.
a. Ng
b. Nang
c. Ang
d. Sa

Sagot :

Nag-aaral    ng   isang kanta ang aking  kaibigan para sa kanyang kaarawan.

Wastong paggamit ng salitang "ng" at halimbawa ng paggamit nito sa mga pangungusap:

1. Ginagamit ito sa pagsagot sa mga tanong na "Ano"

    Halimabawa:

  • Ano ang binili mo sa palengke? Bumili ako ng mga prutas at gular.
  • Ano ang ipinapagawa sa atin ng ating guro? Pinapagawa tayo ng isanag sanaysay tungkol sa SONA ng pangulo.
  • Ano ang gusto mong kainin para sa agahan? Gusto ko ng sinangag na kanin, itlog, tinapa at mainit na kape.

2. Ginagamit ito upang magpakita ng pagmamay-ari (possession)

    Halimbawa:

  • Dinala ni nanay ang pagkain ng kanyang anak sa paaralan.
  • Magaganda ang mga halaman ng aming kapitbahay.
  • Ang aso ng akong pinsan ay maingay tumahol.

3. Ginagamit ito kasunod ng mga salitang "saksakan", "ubod" at  "puno" bilang superlatibong pang uri

   Halimbawa:

  • Saksakan ng gulo ang kanilang lugar dahil sa mga lasinggero.
  • Ubod ng yaman ng mga Villar sa Pilipinas.
  • Puno ng kasiyahan ang pagdiriwang nila ng kaarawan ng kanilang lolo.

Iba pang aralin tungkol sa paggamit ng "ng":

https://brainly.ph/question/26926318

#SPJ4