IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksaktong sagot. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Ang Idiyoma ay isang grupo ng salita na hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Madalas na patalinghaga ang paggamit ng mga salitang ito.
Ano ang Idyoma?
Ang idyoma, o idiom sa Ingles, ay matalinghagang pagpapahayag. Ito ay paggamit ng salita o grupo ng mga salita na hindi tuwiran o direkta ang kahulugan. Ginagamit ang idyoma upang makapagpahayag sa masining (artistic) na paraan.
Halimbawang mga Idyoma at kung paano ito ginagamit sa mga pangungusap:
Hindi na makakasagot si Mang Juan sa inyong mga paratang dahil pantay na ang kanyang mga paa.
Parang nakalutang sa ulap si Pedro nang sya ay sagutin na ng kanyang nililigawang dalaga.
Lumaki na ang ulo ng pamilyang Reyes magmula nang manalo sila ng malaking halaga sa lotto.
Nahirapan ang mga bata nang mawala ang ilaw ng kanilang tahanan.
Basahin ang iba pang detalye tungkol sa idyoma dito: https://brainly.ph/question/11894098
#SPJ4