IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

"O, ina ko, ano po ba at naisipang hatiinAng lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?
"Wala naman,yaong sagot,"baka ako ay tawagin ni Bathala,mabuti nang malaman mo ang habilin"
Ano ang angkop na damdamin o gawi ng tauhan?
A. Pagiging handa sa pangyayari?
B. Pantay na pagtingin sa mga anak
C. Pagiging maagap
D. Pagiging tapat

Sagot :

Ang angko na damdamin o gawi ng tauhan sa usapan ay "pagiging handa sa pangyayari".

Paggamit ng Pahiwatig na Kontekstwal o Context Clues para maunawaan ang damdamin o gawi ng karakter

Maaring malaman kung ano ang damdamin o gawi ng ina sa usapan sa itaas sa pamamagitan ng pagsuri sa mga context clues na nakapaloob sa mga pangungusap. Ang mga context clues na maaring tignan ay ang mga sumusunod:

  • "Baka ako ay tawagin ni Bathala" - ibig sabihin nito ay baka siya ay mamatay na
  • "Mabuti nang malaman mo ang habilin" - ang habilin ay nangangahulugan ng mga tagubulin, o mga nais na ipagawa ng isang tao sa mga maiiwan kung sya ay aalis o mawawala. Halimbawa ng habilin ng isang taong ay ang Will of Testament kung saan nakapaloob kung kani-kanino mapupunta ang kanyang mga ari-arian
  • "Yamang maiiwan sa amin" - ibig nitong sabihin na inaayos na ng ina ang kanyang mga ari-arian para mahati-hati na sa lahat ng kanyang mga anak

Dahil sa mga context clues na ito, masasabi natin na ang ina ay naghahanda lamang kung mangyari man na sya ay mawala na sa mundo.

Iba pang detalye tungkol sa context clues:

https://brainly.ph/question/7048777

#SPJ4