IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa eksaktong mga sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.
Sagot :
Paano nga ba nahuli ni Don Juan ang ibong Adarna?
Sa sanga nga ng Piedras Platas nakita ni Don Juan ang hinahanap niyang ibong adarna. Nang kumanta ito ay inantok si Don Juan kaya agad niyang hiniwa at pinigaan ng dayap ang kanyang palad. Dahil pitong beses kumanta at nagpalit ng balahibo ang ibong adarna, ay pitong beses din hiniwa ni Don Juan ang kanyang palad. Pagkatapos nitong kumanta ay nagbawas ito, na iniwasan naman ni Don Juan upang di siya matulad sa sinapit ng kanyang mga kapatid. Nang makatulog ang ibong adarna ay tinalian ni Don Juan ang paa nito gamit ang gintong sintas. Dinala niya ito sa ermitanyo, sinilid ito ng ermitanyo sa hawla at binigay kay Don Juan. Sa paghuli niya sa ibong adarna ay nagawa nilang maibalik sa dati ang mga kapatid ni Don Juan.
Ano ang ibong adarna?
Ito ay isang mahiwagang ibon na mayroong mahabang buntot at magandang tinig. May kakayahan itong magpalit ng mas matitingkad pang kulay pagkatapos nitong umawit. Kaya nitong kumanta ng 7 awitin na makapagpapatulog sa kahit na kanino at makapagpapagaling ng kahit anong sakit. Sinasabing kapag ikaw ay naiputan ng ibong adarna ay magiging bato ka.
Bisitahin ang mga link para sa iba pang mahalagang impormasyon:
Maikling buod ng Ibong Adarna:
- https://brainly.ph/question/1425256
Tauhan sa Ibong Adarna:
- https://brainly.ph/question/112864
#SPJ1
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.