IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at mabilis na mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Kilalá si Apolinario de la Cruz (A·po·li·nár·yo de la Krus) sa bansag na “Hermano Pule” bilang pinunò at tagapagtatag ng Cofradia de San José. Pinamununan niya ang isang pag-aaklas laban sa mga Español na nakabatay sa kalayaang panrelihiyon at pagkakapantay-pantay ng mga Español at Indio sa kaparian.Isinilang siya noong 22 Hulyo 1814 sa Barrio Pandac sa bayan ng Lucban, Tayabas (ngayon ay lala- wigan ng Quezon) kina Pablo de la Cruz at Juana Andres, pawang mula sa pamilyang maykaya at debotong Katoliko. Pinangarap niyang magpari, at sa edad na 15 ay sumubok sumali sa orden ng mga Dominiko saMaynila. Ngunit hindi pa noon tumatanggap ng mga Indio ang mga ordeng Romano Katoliko, kung kayâ naging donado na lamang muna siya sa Ospital ng San Juan de Dios at nagtrabahosa Cofradia de San Juan de Dios. Sa panahong ito pinag-aralan ni de la Cruz ang Bibliya at iba pang banal na kasulatan
Explanation:
hope helps
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.