IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

2. Ano-ano ang ginagampanan ng mamamayan bilang bahagi ng isang bansa? Magtala ng dalawa.​

Sagot :

Pagtupad sa mga tungkuling panlipunan at pansibiko

Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis

Pagtitiwala sa sariling kakayahan

Pagiging kapaki-pakinabang ng mamamayan

Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan

Paggalang sa karapatan ng kapwa

Maayos na paggamit ng kagamitang pambayan

Maayos na paggamit ng kapangyarihan

Ginagampanan ng Mamamayan Bilang Bahagi ng Isang Bansa

Ang mamamayan ay mahalagang bahagi ng isang bansa. Ito ang mga tao na naninirahan sa loob ng isang teritoryo. Ito ang bumubuo sa populasyon ng bansa. May mga tungkulin na dapat gampanan ang mga mamamayan para sa ikabubuti nila at ng isang bansa. Alamin ang bawat isa sa ibaba:

Pagtupad sa mga tungkuling panlipunan at pansibiko - Ito ay tumutukoy sa pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa. Ito rin ay ang pagkakaroon ng malasakit sa kapwa at pag-iwas sa mga gawaing nakakasama sa kapwa at bansa.

Matapat at maagap na pagbabayad ng buwis - Ito ang tungkulin ng bawat mamamayang kumikita at may ari-arian.

Pagtitiwala sa sariling kakayahan - Ang kakayahan ng bawat mamamayan ay kailangan sa pagsulong at pagpapabuti ng kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa kaya naman mahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

Pagiging kapaki-pakinabang ng mamamayan - Bukod sa kakayahan ng isang tao, mahalaga rin na siya ay may edukasyon. Kaya naman isa sa tungkulin ang mag-aral.

Paggalang sa batas at sa may kapangyarihan - Ito ang tungkuling tumutukoy sa pagrespeto at pagsunod sa batas at may kapangyarihang tao.

Paggalang sa karapatan ng kapwa - Tungkulin ng isang mamamayan na igalang ang kanilang kapwa. Ito ang pag-trato ng mabuti sa iba.

Maayos na paggamit ng kapangyarihan - Ang mga pinuno naman ng bansa ay may tungkuling maging mabuti sa paggamit ng kapangyarihan. Sila ay dapat may malayang isip, matapat sa bansa, malinis at walang bahid ang karangalan, at mapagkakatiwalaan ng bayan.