IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa malinaw na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.
Sagot :
Si Padre Damaso ang paring mapagmataas at tinitingala ang sarili bilang superior sa lahat. Siya ang dating kura paroko ng San Diego at nakaaway ni Crisostomo sa isang hapunan.
Isang prominenteng karakter sa nobelang Noli Me Tangere si Padre Damaso. Nagtataglay siya ng kasuklam suklam na katangian na lubos na humahamon sa bida ng nasabing nobela. Ginagamit niya ang kanyang posisyon upang maging arogante at malupit sa mga nasasakupan nito.
Ang mapanlinlang na pari ay itinuturing na dating matalik na kaibigan ni Don Rafael, ang ama ni Crisostomo Ibarra. Subalit lumabas ang kanyang tunay na kulay nang nakapatay ang Don ng isang kastila. Lumabas ang tinatago niyang pagka inggit at nagkaroon siya ng pagkakataon upang siraan ito.
Di malaon ay namatay si Don Rafael at napilitang umuwi si Ibarra. Sa araw ng pagdating binata sa Pilipinas at pag unlak nito sa salo-salo ay tinuya siya ng pari. Pinalampas lamang ito ng binata at umalis. Nang malapit na ang pagsapit ng araw ng mga patay ay binisita ni Crisostomo ang libingan ng kanyang ama. Sa kasamaang palad ay natuklasan niya na wala duon ang bangkay ng kanyang ama. Ipinahukay ang bangkay nito, binalak na dalhin sa libingan ng mga chino ngunit noong araw na iyon ay umuulan kaya't itinapon na lamang sa ilog. Ang taong may pakana nito ay walang iba kundi si Padre Damaso.
Si Padre Damaso ang tanging sumusubok sa pagkatao at katatagan ni Ibarra. Siya rin ang hadlang sa pag iibigan nila ni Maria Clara. Sa katunayan, natuklasan ni Maria Clara na sya ang kanyang tunay na ama. Napilitan siyang magpakasal sa iba upang maisaalang alang ang dignidad ng kanyang ina. Iniisip ng pari na sya ay nagtagumpay ng biglang naglaho si Ibarra at inisip ng lahat na ito ay namatay.
Para sa karagdagang kaalaman, pindutin lamang ang link sa ibaba:
https://brainly.ph/question/529530
https://brainly.ph/question/2563883
#SPJ1
#LearnWithBrainly
Answer:
Paring mapagmataas at tinitignan ang sarili bilang superior sa lahat. dating kura paroko ng san diego at nakaaway ni crisostomo sa isang hapunan.
Answer:
Padre Damaso
Explanation:
Hope it's help
#Carry On Learning
#Study Well
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.