Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay makikita sa kanlurang bahagi ng kontinente ng Asya. Ito ay tinatawag din bilang Middle East Asia. Ang kanlurang Asya ay itinuturing na isa sa pinakamayamang rehiyon sa buong Asya dahil sa malaking bahagdan ng petrolyo at langis na ibinabahagi sa buong mundo ay nagmumula dito. Ito ay kinabibilangan ng:
- Bahrain
- Iran
- Iraq
- Israel
- Jordan
- Kuwait
- Lebanon
- Oman
- Qatar
- Palestinian
Sukat ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay mayroong kabuuang sukat na halos 6,255,160 kilometro kwadrado
Hugis ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay mayroong hugis na irregular dahil hindi tiyak ang hugis nito
Anyo ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay mayroong malawak na tuyong disyerto. Gayunpaman, may mga anyong tubig na makikita rito tulad ng:
- Black Sea
- Persian Gulf
- Arabian Sea
- Red Sea
- Caspian Sea
- Mediterranean Sea
- Aegean Sea
Klima ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya sa kabuuan ay mayroong tuyong klima. Ito ay tinatawag din na arrid. Mayroon itong continental na klima sa hilagang mga rehiyon, tuyong klima sa timog, at Mediterranean na klima sa kanlurang hangganan.
Vegetation cover ng kanlurang Asya
Dahil sa pagkakaroon ng tuyong kapaligiran, walang natural na wild vegetation ang tumutubo dito. Gayunpaman, sa Karakum Desert makikita ang isang kakaibang puno, ang saxaul. Ang saxaul ay may kakaibang hugis at ito ay walang dahon. Ang pangunahing gamit nito ay bilang panggatong at nagagamit din ito bilang pagkain ng mga camels.
Mayroong 2,000 na species ng halaman ang matatagpuan sa disyerto ng Syria. Sa bundok ng Pontic sa hilagang Turkey makikita ang mga sumusunod:
- Beeches
- Conifers
- Cherry laurels
- Hollies
- Creepers
Ang kagubatan na makikita sa Georgia at hilagang bahagi ng bundok ng Eburz sa Iran ay makikita ang mga sumusunod:
- Holm oak (isang evergreen oak)
- Aleppo pine (ginagamit sa paggawa ng mga barko)
- Cistus
- Mastic tree (na naglalabas ng mabangong resin)
Kinaroroonan ng kanlurang Asya
Ang kanlurang Asya ay makikita sa timog ng silangang Europe. Ito ay napalilibutan ng Caucasus Mountains sa hilaga, sa silangan ay ng gitnang Asya, sa timog ng Africa
Sumangguni sa mga sumusunod na links para sa karagdagang kaalaman ukol sa:
Asya
https://brainly.ph/question/37882
Kultura sa kanlurang Asya
https://brainly.ph/question/467392
Pitong kontinente
https://brainly.ph/question/323848
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.