Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang mga pangungusap na na mukha tumutukoy sa mga pananaw at paniniwala ng mga Katutubong Muslim at malungkot naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.
2. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng pamumuhay ng mga Muslim kung kaya ito ay kanilang ipaglalaban.
3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng malaking digmaan hanggang kamatayan.
4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong Kristiyanismo.
5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyon.
6. Madali silang nakipagkasundo sa mga dayuhan.
7. Ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay umiinog sa pagsamba kay Allah.
8. Ang kanilang panrelihiyong paniniwala ay hindi mawawala kapag sila ay sumailalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol.
9. Ang mga Muslim ay walang pagpapahalaga sa kanilang kalayaan.
10. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang pinuno.
Help