1 Ito ay nangangahulugang isang mapayapang paraan ng pagtutol sa mga ipinatutupad ng pamahalaan at di pagtatangkilik sa mga produkto at serbisyong ibinibigay nito.
A. Civil disobedience
B. Coup d’ etat
C. Lakas ng Bayan
D. Mapayapang Demonstrayon
2. Ito ang uri ng pamahalaang umiral matapos mapabagsak ang rehimeng Marcos.
A. Aristokrasya
B. Awtokrasya
C. Demokrasya
D. Monarkiya
3. Dito nagtungo ang pamilyang Marcos kasama ang kanilang malalapit na kaibigan noong sila ay umalis ng Pilipinas.
A. Australia
B. China
C. Hawaii
D. Singapore
4. Siya ang pangalawang pangulo ni Corazon Aquino sa nangyaring Snap Election.
A. Arturo Tolentino
B. Fidel Ramos
C. Jose Concepcion
D. Salvador Laurel
5. Sa mga araw na ito nangyari ang makasaysayang Rebolusyon sa EDSA.
A. Pebrero 16 – 19, 1986
B. Pebrero 19 – 22, 1986
C. Pebrero 22 – 25, 1986
D. Pebrero 24 – 27, 1986
6. Ito ang partidong kinabibilangan ni Cory noong siya ay kumandidato bilang pangulo ng bansa.
A. Lakas
B. Liberal
C. Nacionalista
D. UNIDO
7. Siya ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas na tumiwalag sa administrasyong Marcos.
A. Arturo Tolentino
B. Fidel Ramos
C. Juan Ponce Enrile
D. Salvador Laurel
C
8. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na opisyal na namamahala sa bilangan tuwing eleksiyon.
A. CAPM
B. COMELEC
C. NAMFREL
D. National Election Movement
9. Ito ang nagdeklara ng pagkapanalo ni Marcos sa Snap Election sa kabila ng lantarang dayaan dahilan sa pagkakaiba ng resultang nakalap ng COMELEC at NAMFREL.
A. Batasang Pambansa
B. CAPM
C. NAMFREL
D. National Election Movement
10. Sa kanya nanumpa si Pangulong Corazon Aquino bilang pangulo ng bansa.
A. Andres Narvasa
B. Claudio Teehankee
C. Hilario Davide
D. Vicente Abad Santos