1. Layunin ng pananaliksik na ito na alamin kung ang isang teorya ay makatotohanan at katanggap-tanggap batay sa mga pangkalahatang prinsipyong kasalukuyang kinikilala ng mga dalubhasa. 2. Sa pananaliksik na ito, gumagamit ang mananaliksik ng mga teorya o kinikilalang prinsipyo bilang paraan ng pagtugon sa isang isyu o suliraning hinahanap sa pananaliksik. 3. Sa pananaliksik na ito, gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na nakalap at malaman ang tiyak na resulta ng sa gayon ay makapagbigay ng mahalagang impormasyon para sa suliraning hinahanap. 4. Sa pananaliksik na ito, inilalarawan ang ugnayan ng mga datos na nakalap mula sa mga panayam o obserbasyon ng mananaliksik sa kaniyang kapaligiran kung saan mahahanap ang impormasyong kailangan. 5. Sa pananaliksik na ito, kinakailangan ang kritikal at mapanuring pag-iisip ng mananaliksik upang masiyasat ang mga impormasyong nakalap. Sa pananaliksik na ito, kinakailangan ng malawak at masusing pagsisiyasat ng impormasyong