I-Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang mgatanong. BILUGAN ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Ang mga sumusunod ay paraan na iminungkahi ni Sean Covey upang makabuo ng Personal na Pahayag sa Buhay, MALIBAN sa isa: A. Mangolekta ng mga kasabihan o motto. C. Huwag labis na alalahanin ang pagsulat nito. D. Pilitin ang sarili sa pagbuo ng layunin. B. Magpahinga o maglaan ng oras sa pag-iisip. 2.Saan inihalintulad ni Sean Covey ang pahayag ng personal na layunin sa buhay? A. sa isang halamang namumulaklak C. Sa isang taong malalim ang iniisip D. Wala sa nabanggit B. sa punong may malalim na ugat 3. Bakit kailangan ang personal na layunin sa buhay? A. upang panatilihing matatag sa anumang unos na dumating sa iyong buhay B. upang bigyan ng tuon ang pagtupad sa mga itinakdang mithiin sa buhay C. upang magabayan tayo sa ating mga pagpapasya D. lahat ng nabanggit 4. Ano ang dapat isaalang-alang sa bawat gagawing pagpili? A. mas mataas na kabutihan C. kabutihang panlahat D. mas maliit na kabutihan B. kabutihang pansarili 5. Ang paghingi ng gabay sa Diyos sa bawat isasagawang pagpapasya ay isa sa mga hakbang na dapat gawin. Ang pagtatakda ng layunin ay mahalaga kaya dapat natin itong sabayan ng panalangin. Ang sumusunod ay maaring maging resulta kapag ikaw ay nanalangin MALIBAN sa isa: A. Magkaroon ng lakas na maisakatuparan ang anumang dapat gawin ayon sa paghuhusga ng sariling konsensiya. B. Dahil sa panalangin, mabibigyan ng linaw sa iyo kung ano talaga ang gusto ng Diyos na iyong gawin. C. Kapag nanalangin ay makakasiguro ka na tama ang iyong pagpapasya. D. May pag-aalinlangan ka sa iyong kilos.