IDNStudy.com, ang iyong platform para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

Ano-ano ang mga pagsubok na pinagdaanan ni kabesang tales.

Sagot :

Answer:

Dahil sa angking kasipagan at pagtitiyaga, nakapag may ari ng isang tubuhan. Nang makita ng mga prayle na ang tubuhan ay unti unti ng umuunlad, hinangad nilang malipat ang pagmamay ari nito sa kanila kaya naman tinaasan nila ang buwis na kailangan niyang bayaran para dito hanggang sa hindi na siya makabayad at mapilitan na lumaban upang mapanatili ang pagmamay ari sa lupa. Sa bisa ng batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura, na-elit ang lupa ni kabesang Tales sa kanya. Kaya naman, nakipag asunto siya sa mga prayle at kalaunan ay nag armas upang bantayan ang kanyang lupa. Sinuman ay hindi makapasok sa lupang ito sa takot na sila ay mabaril ng kabesa. Sa kasamaang palad, ang kabesa ay nasilo ng mga tulisan ng sila ay pangahas na pumasok sa kanyang lupa. Ipinatubos siya ng mga ito sa kanyang anak na si Huli. Ipinagbili naman ni Huli ang lahat ng kanyang mga alahas upang matubos ang ama ngunit hindi ito naging sapat na pambayad sa kanila kaya nagpasya siyang manilbihan kay Hermana Penchang. Habang nasa tahanan ni Hermana Penchang ay nagkaroon ng masamang panaginip ang dalaga ukol sa kanyang ama.

Explanation: