IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa aming mga eksperto, handang magbigay ng mabilis at tiyak na solusyon.

ano ang iba't iba ng uri ng pagsasalaysay? ​

Sagot :

  • padamdam
  • pautos
  • pasabi
  • pa galit
  • patanong

Explanation:

pa brainliests din po

Answer:

Ang pagsasalaysay ay pagsasaad o pagkukuwento ng mga pangyayari.

Explanation:

May dalawang uri ang pagsasalaysay. Ito ay maaaring:

* pagsasalaysay na nakasulat at;

* pagsasalaysay na pasalita.

Ang pagsasalaysay na pasalita ay nagagamit sa araw-araw nating pakikisalamuha sa buhay. Kapag mayroon tayong nakita at nais nating ibahagi sa ating mga kaibigan at kapamilya, ginagamit natin ang pagsasalaysay na pasalita.

Samantala ang pagsasalaysay naman na nakasulat ay yaong mga pangyayaring nais nating isulat. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pwedeng gamitan ng pagsasalaysay na pasulat.

Maikling Kwento

Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikan na maaaring matapos basahin sa iisang upuan lamang. Nagtataglay ito ng mga salaysay ng mga pangyayari na pwede nating maihambing sa pangyayari sa ating tunay na buhay.  

Alamat

Ang Alamat ay isang uri ng panitikan tungkol sa pinagmulan ng isang bagay. Kadalasang nagpapahiwatig ng mga pangyayaring kababalaghan. Sinasabing ang mga kuwento nito ay maaaring totoo, maaari ring hindi.

Anekdota

Ang anekdota ay salaysay ng isang maikling pangyayari na hango sa tunay na buhay. Walang paligoy-ligoy at deretso ang punto ng kuwento. Kapupulutan ito ng aral at kadalasang nakakatawa.  

Talambuhay

Ang talambuhay ay isang salaysay tungkol sa buhay ng isang tao na maaaring siya mismo ang sumulat o kaya ay ibang tao.

Nobela

Ang Nobela ay isang uri ng pagsasalaysay ng isang kuwento na matagal matapos at kadalasang isang buong aklat talaga. Marami ang tagpuan, tauhan at pangyayari sa isang Nobela. Minsan ginagawa itong pelikula.

Journal  

Ang journal ay salaysay ng araw-araw na pangyayari sa buhay ng isang tao. Matiyaga itong sinusulat sa notbuk araw-araw. Kadalasan, pinipili lang nila ang mahahalagang pangyayari upang isulat.