I. Tukuyin kung ang mga sumusunod ay naipatupad sa ilalim ng Batas Militar. Lagyan ng check (√) kung oo at ekis (x) kung hindi. 1. Pagpapairal ng curfew-hour mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas -kwatro ng umaga. 2. Pagbawal ng rali, demonstrasyon at pagwewelga. 3. Pagkakaroon ng wastong paglilitis sa sinumang maakusahang nagkasala. 4. Isang relihiyon lamang ang paiiralin sa buong bansa. 5. Pagkontrol ng pamahalaan sa pahayan, radio at telebisyon upang masala ng pamahalaan ang mga balitang lalabas sa madla. 6. Pagsuspinde ng pangingibang bansa ng mga Pilipino, maliban sa mga misyong ipinag-uutos ng Gobyerno. 7. Paggawad ng parusang kamatayan sa sinomang mahuhuling magdadala ng armas nang walang pahintulot. 8. Pagkakaroon ng kalayaang bomoto. 9. Pagsuspinde sa Writ of Habeas Corpus. 10. Paghinto ng edukasyon.