Panuto: Pag-aralan ang usapan at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Joy: Lyn, Alam mo ba kung matutuloy ang face to face classes ngayong taon? Lyn: Napakinggan ko sa balita kagabi Joy. Ayon kay Secretary Roque, kinansela ng ating pangulo. Joy : Ganoon ba? Kung ako ang tatanungin mas gusto ko ang face to face classes mas marami akong matututuhan at gusto ko nang makilala ang aking mga kaklase. Lyn: Para sa kaligtasan natin iyon Joy. Nang sa ganoon hindi tayo mahawaan ng virus. 15. Sino- sino ang nag-uusap sa diyalogo? a. Secretary Roque at ang pangulo. b. Secretary Roque at Lyn c. Secretary Roque at Joy d. Joy at Lyn 16. Ano ang paksa ng kanilang pag-uusap? a. Tungkol sa face to face classes. b. Tungkol sa balitang napakinggan ni Lyn. Tungkol sa kaligtasan ng mga mag-aaral c. d. Tungkol sa kagustuhan ni Joy na makilala ang mga kaklase. 17. Ayon sa balitang napakinggan ni Lyn kanino nanggaling ang pahayag na pagkansela ng face to face classes ng pangulo? a. Nanggagaling kay Lyn b. Nanggagaling kay Joy c. Nanggagaling kay Sec. Roque d. Narinig lang ni Lyn sa kapitbahay 18. Paano tayo makatutulong sa pagsugpo sa pagkalat ng Covid-19? a. Umiwas sa maraming tao. b. Magsuot ng facemask o faceshield kung lalabas ng bahay. c. Sundin ang isang metrong agwat sa taong kausap o kasabay. d. Lahat ng nabanggit ay makatutulong sa pagsugpo sa pagkalat ng Covid 19