Pa summarize po nito :>
Pinamunuan ng Pamahalaang Britanya ang Sri Lanka at ang buong sub-kontinente ng India sa loob ng isa't kalahating dantaon (1796-1947). Noong 1919, itinatag ang Ceylon National Congress, ang unang partidong pulitikal ng Sri Lanka. Namuno ito upang ipaglaban ang kasarinlan ng bansa. Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pangdaigdig, pinamunuan ni Don Stephen Senanayake, ang itinuturing na "Ama ng Kasarinlang Sri Lanka", ang pakikipaglaban para sa kasarinlan. Sila ay sinuportahan ng lahat ng pangkat-etniko ng Sri Lanka. Noong Pebrero 4, 1948, ipinahayag ang kasarinlan ng bansa.
Samantala sa Nepal, noong 1990, naganap ang mapayapang Rebolusyong People Power. Nagsilbing inspirasyon nila ang EDSA Rebolusyon sa Pilipinas noong 1986. Noong Disyembre 24, 2007, ipinahayag ng Nepalese Constituent Assembly na lalansagin na ang monarkiya sa 2008 pagkatapos ng eleksiyon sa Asemblea. Noong May 28, 2008, idineklara ang Nepal bilang isang Federal Democratic Republic.
Ceylon - ang orihinal na pangalan ng bansang Sri Lanka.
Makakabuo tayo ng mga sariling paniniwala sa mga nangyayari sa bansa at ito ang magsisilbing ideolohiya mo.
Ang iyong mga ideolohiya ay lagi't lagi dapat itong naka-lapat sa masa at naka-panig sa kung ano ang tunay na makakabuti sa lahat.