Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. ___1. Sumigaw nang malakas ang bata. Ano ang pang-abay na pamaraan na ginamit?
A. Sumigaw B. bata C. malakas D. nang
___2. Sa Sabado maglalaba ang nanay. Ano ang pang-abay na pamanahon na ginamit?
A. Nanay B. Sabado C. ang D. maglalaba
___3. Naglaro kami sa bakuran. Ano ang pang-abay na panlunan na ginamit?
A. Naglalaro B. kami C. sa bakuran D. sa
___4. Isinulat ko nang maayos ang aking pangalan. Ano ang pang-abay na pamaraan na ginamit? A. Isinulat B. maayos C. nang D. pangalan
___5. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang gawain. Ano ang pang-abay na pamanahon na ginamit? A. Noong Lunes B. gawain C. nagsimula ng gawain D. siya
II.Panuto: Basahin ang mga pangungusap upang masagutan ang mga katanungan. Isulat sa patlang ang tamang sagot. Ang mag- anak ay tahimik na kumakain ng kanilang pananghalian sa bahay.
6. Saan kumain ang mag-anak? __________________
7. Paano kumain ang mag-anak?_________________
Ang mga bata ay masayang nagtakbuhan sa parke kaninang umaga.
8. Paano nagtakbuhan ang mga bata? _______________
9. Kailan sila nagtukbuhan? ______________________
10. Saan sila nagtakbuhan? ________