IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Ang aming komunidad ay nagbibigay ng eksaktong sagot upang matulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.
Sagot :
Answer:
Jose Dela Cruz
Explanation:
May ilang mga kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw. Ang Ibong Adarna ay maituturing na kwentong bayan sapagkat hindi tiyak kung sino talaga ang totoong umakda nito. Nang isalin sa Wikang Tagalog ang naturang korido, ipinagpapalagay na ganito ang mga nangyari:
Ang pangalan ng orihinal na may-akda, na nagmula sa kung saan-saang bansa sa Europa ay hindi na isinulat ng mga sumunod na nagpalimbag.
Ginamit ng mga tagapagsalin ang kanilang pangalan, ngunit ito’y di isinama sa pagpapalathala.
Ang mga kauna-unahang salin ng akdang ito ay pawang sulat-kamay at nang maglaon ay hindi na kinopya ng mga sumunod pang nagsalin ang mga pangalan ng nauna sa kanila.
Sapagkat hindi nga tiyak kung sino talaga ang totoong may-akda ng korido, pinili na lamang ng nakararaming tagapagsalin na huwag ng isama ang kanilang pangalan sa pagpapalimbag.
Ang karaniwang kaanyuan ng nasabing korido na siya ngayong pinag-aaralan sa mga paaralan ay ang isinaayos na salin ni Marcelo P. Garcia noong 1949.
Sa ngayon ay may ilang nagpapalagay na si Jose de la Cruz (o Huseng Sisiw), isang makatang kaalinsabay ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ang kumatha ng Ibong Adarna . At dahil nga hindi katiyakan kung sino ang orihinal na may-akda at dahil na rin sa kasikatan nito sa Panitikang Pilipino, maraming nag-aakala na ang Ibong Adarna ay katutubo mismo sa Pilipinas.
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.