Sagot :

Ang posibleng dahilan ng digmaan ay ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang panig. Kasama rin sa dahilan ng digmaan ay ang pag-aagaw agawan ng teritoryo. Ang mga digmaan ay resulta ng mga maliliit na isyu at di pagkakaunawaan na di nareresolba. Dahil sa kakulangan ng komunikasyon ng dalawang panig, pinalalaki nito ang mga isyu anupat nagdudulot ng mas malaking hidwaan sa pagitan ng dalawang panig. Marami pang maaring dahilan ng digmaan subalit anumang mga hindi pagkakaunawaan ay malulutas kung ang dalawang panig ay handang makipagtulungan.

Mga Dahilan Ng Digmaan

Ang digmaan ay kumikitil ng buhay at nagsasapanganib sa maraming tao. Ang mga sumusunod ay iba pang mga dahilan ng digmaan.

  • Pananakop ng teritoryo
  • Kahirapan
  • Kasakiman
  • Pagiging makabayan
  • Pag kamatay ng isang maimpluwesyang myembro ng pangkat o bansa  

Ang Mga Epekto Ng Digmaan

Ang mga sumusunod ay ang mga epekto ng digmaan.

  1. Kahirapan  
  2. Kakulangan sa pagkain
  3. Paglaganap ng ibat-ibang sakit
  4. Malnutrisyon
  5. Kamatayan ng mga tao
  6. Limitadong access ng edukasyon para sa mga kabataan                                  

Ang digmaan ay may masasamang epekto sa ating lahat at ang kabatiran tungkol sa mga dahilan nito ay makatutulong sa atin. Tingna ang mga link sa ibaba:

Tungkol sa una at ikalawang digmaan.

panano maiwasan ang digmaan?: https://brainly.ph/question/2749598

Bakit mahalagang iwasan ang digmaan? Ano ano ang idinudulot ng digmaan?: https://brainly.ph/question/10762219

Digmaan sa karagatan?: https://brainly.ph/question/1259314

#BetterWithBrainly