IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may mabilis na sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

ano ang ibig sabihin ng panlapi?

Sagot :

Ang panlapi ay isang kataga o mga kataga na kinakabit sa unahan,gitna,at hulihan ng  isang salitang ugat upang makabuo ng panibagong salita na iba na ang kahulugan.

Mga Uri ng Panlapi

  • Unlapi
  • Gitlapi
  • Hunlapi
  • Kabilaan

Mga halimbawa at kahulugan ng uri ng panlapi

  1. Unlapi- ito ay tumutukoy kung saan ang kataga ay inilagay sa unahan ng salitang ugat. Halimbawa: na,nag,mag,pa.

         na- napili, napanis, nahinto

         nag- nagsaing,nagtapos,nagsimula

Ang napili na kinatawan ng eskwelahan upang lumahok sa paligsahan sa pag-awit ay si Anna.

   2. Gitlapi- ito ay tumutukoy kung ang kataga ay nakalagay sa gitna o

          nasa loob ng salita. Halimbawa um,in

           um- lumakad, lumisan,lumangoy  

            in- ginawa, tinapon,ginapos

Lumakad ng matulin ang batang si Kyle para hindi siya abutin ng paparating na malakas na ulan.

  3. Hunlapi- ito ay tumutukoy kung ang kataga ay nakalagay sa hulihan ng

       ng salitang ugat. Halimbawa an,in,

        an- sabihan, tabihan,suklian

         in- isipin, tapusin, alisin

Bago ka magsalita ay isipin mo muna ng mabuti upang hindi ka makasakit ng iyong kapwa.

  4. Kabilaan- ito ay tumutukoy kung ang panlapi ay nakalagay sa unahan at    

      hulihan ng isang salita. Halimbawa mag-kaibigan, palaisipan,

       kadalagahan

Palaisipan sa nakararami ang biglang pagkawala ng batang si Silya.

  5.Laguhan- ito ay tumutukoy kapag mayroong panlapi sa unahan, gitna,at

     hulihan ng isang salita. Halimbawa pagsumikapan,

Pagsusumikap nating lahat na mapabuti ang kalagayan ng ating lipunan.

buksan para sa karagdagang kaalaman

panlapi at mga halimbawa nito https://brainly.ph/question/298476

panlapi at mga uri nito https://brainly.ph/question/440957

kahulugan ng panlapi https://brainly.ph/question/105686