IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Celia:
Si Celia sa buhay ni Balagtas ay ang kanyang unang pag - ibig.
Si Celia ay ipinakilala ni Francisco Balagtas sa kanyang akda na Florante at Laura. Ang totoong katauhan ni Celia ay ang dalagang si Maria Asuncion Rivera. Si Maria ay nakilala ni Balagtas habang siya ay namamalagi sa Pandacan. Sa kasawiang palad si Balagtas ay ipinakulong ni Mariano Capule dahil sa paniwalang si Balagtas ay itinatangi din ng dalaga. Sa kanyang paglaya ay hindi na niya pinursigi ang dalaga sa halip ay lumipat siya ng Tondo. Kalaunan ay namalagi siya sa Balanga, Bataan. Dito ay nakilala niya ang kanyang naging kabiyak na si Juana Tiambeng.
Sa kabila ng pagkakaudlot ng pag - iibigan ni Celia at Balagtas ay naging matagumpay ang akda niyang Florante at Laura. Marami ang naantig sa paraan ng pagkakasulat ng bahaging Pag - aalay Kay Selya. Sa mga unang saknong ay itinatanong ni Balagtas kung nasaan na ang kanyang dating minamahal. Inaalala niya kung baka nakalimot na si Selya sa kanilang pag-iibigan. Ang pagkalimot na ito, ayon kay Balagtas, ay ang ikinalubog ng kanyang kapalaran sa lubhang kalungkutan. Pero iginigiit naman ni Balagtas na hindi niya nakalimutan ang pagmamahalang iyon. Ito ang mga panahon na si Balagtas ay nakapiit at si Mariano Capule ay malayang sinusuyo si Maria.
Keywords: Celia, Balagtas
Pag - aalay Kay Selya: https://brainly.ph/question/2587725
#LetsStudy
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!