M143idn
Answered

Kumonekta sa mga eksperto at makakuha ng mga sagot sa IDNStudy.com. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

sino si deogracias a. roasario?

Sagot :

Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. 

Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento. 

Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi: 

"Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan". 

Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. 

Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26, 1936.

Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.