Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Ang mga halimbawa ng hyperbole ay gabundok na labahin, umuusok ang ilong, namatay sa pangalawang pagkakataon, isang taong hindi kumain, naghintay ng isandaang taon, umuulan ng pera, tumalon hanggang langit, lamunin ng buo, nahati ang puso at umaapoy na paningin. Ang hyperbole o pagmamalabis ay nagdudulot ng nakakaaliw na pakiramdam sa mga mambabasa. Bagama't ang hyperbole o pagmamalabis ay halatang walang katotohanan, naiiintindihan pa rin ng mambabasa ang ibig nitong sabihin.
MGA PANGUNGUSAP GAMIT ANG HYPERBOLE O PAGMAMALABIS
- Gabundok na labahin
Pasensiya na at hindi muna ako makadadalo sa ating taunang pagtitipon sapagkat kailangan ko munang tapusin ang aking gabundok na labahin.
- Umuusok ang ilong
Umuusok ang ilong ni Aling Norma nang malaman niyang kinain ng kambing ng kapitbahay ang kanyang pinakaiingatang halamang bulaklak sa hardin.
- Namatay sa pangalawang pagkakataon
Nu’ng nalaman kong mawawala ka na naman sa akin, namatay ako sa pangalawang pagkakataon.
- Isang taong hindi kumain
Ang sekreto ko upang bumalik sa pagiging balingkinitan ang aking katawan ay isang taon akong hindi kumain.
- Naghintay ng isandaang taon
Grabe ang tagal mo! Naghintay ako ng isandaang taon saka ka lamang dumating.
- Umuulan ng pera at mga pagkain
Paborito ko talaga ang Disyembre dahil sa buwang ito laging umuulan ng pera at mga masasarap na pagkain.
- Tumalon hanggang langit
Sa tuwing umuuwi si Mama at may dalang pasalubong, tumatalon kami ng mga kapatid ko hanggang langit dahil sa tuwa.
- Lamunin ng buo
Gutom na gutom na talaga ako at kaya na kitang lamunin kaagad ng buo!
- Nahati ang puso
Biglang nahati ang puso ko nang makita kong may kasama siyang iba at magkahawak kamay pa!
- Umaapoy na paningin
Umaapoy ang aking paningin sa galit at panibugho habang sinusundan kong pumasok sa sinehan ang aking nobyo at ang aking kaibigan nang magkaakbay.
Ano ang Hyperbole o Pagmamalabis?
Ang hyperbole o pagmamalabis ay isang uri ng tayutay na nagsasaad ng sobrang pagmamalabis o kaya ay masidhing pagkukulang sa isang bagay. Maaari itong eksaherado o kaya ay sobrang kinukulangan ang katotohanan ng kalagayan o katayuan ng isang inilalarawan. May hawig ito sa idyomatikong pahayag pero hindi naman sila magkatulad sa lahat ng pagkakataon.
para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa:
https://brainly.ph/question/111438
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.