Ang pinapahayag nito ay kung paano nabubuhay ang mga sinaunang tao. Ang Apoy ay ginagamit nila para sa pagluluto ng kanilang pagkain o di kaya'y proteksyon din sa lamig. Ang kuweba ay nagsisilbing proteksyon nila laban sa mga masasamang hayop o tao. Ang puno at bato ay ginagamit nila para sa kanilang mga sundata at sa pag-gawa ng mga bahay nila. Ang dahon ay ginagamit nila bilang pinggan sa panahon nila o di kaya'y para maging bubong ng kanilang bahay. At ang balat ng hayop ay para sa kanilang mga damit o iba pa.