Ang kwentong pinamagatang "Mga Patak ng Luha" ay umiikot sa kwento ng isang batang si Ishaan na may dyslexia. Ibig sabihin nagkakabali-baliktada ang mga salitang binabasa at isinusulat. Lagi siyang pinapahiya sa klase at maging ng kanyang mga magulang hanggang sa dumating ang isang gurong nakakapagpabago sa kanya. Si Ram Shankar Nikumbh Sir na siyang naging dahilan upang malinang ang talento ni Ishaan sa pagguhit sa kabila ng karamdaman nito.