IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

sumulat ng liham para sa iyong sarili na nagsasaad ng iyong pangarap at mga paalala sa mga hakbangin upang ito ay magkaroon ng katuparan.​

Sagot :

Kumusta ka?

Sana’y malaman mo na hawak mo ang iyong buhay.

Sana’y maintindihan mo na ikaw lamang ang may kakayahang baguhin ang iyong tadhana, kahit na mukhang wala kang kakampi. Sana lagi mong iisipin na mayroon pa ring mga taong handang tumulong at gumabay hanggang sa kaya mo nang magsarili.

Sana’y lagi mong maalala kung paano maramdaman ang tunay na kasiyahan, at sana’y huwag mo itong makalimutan; dahil ang buhay minsan ay sadyang mapanlinlang, at pipilitin kang papaniwalain na wala kang karapatang maging maligaya. 

Sana’y huwag mong hayaan manatili na lamang sa iyong kinalalagyan, dahil sa ito ang pinakamadaling gawin.

Sana’y huwag mong tangkilikin ang palaging nasasaktan, dahil lang sa iyong naging mga karanasan.

Sana’y huwag kang tumigil na umibig at magmahal kahit na parang hindi naman ito natutumbasan. Sana’y lagi mong tatandaan na may pag-ibig na wagas, pag-ibig na hindi kumakatawan sa kamalian ng mundo, kahit na hindi mo pa ito natatagpuan.

Sana’y magkaroon ka ng lakas ng loob na kalimutan ang pag-ibig na huwad, na sadyang pumunit ng iyong puso; pag-ibig na naging dahilan para kalimutan mo ang iyong pagkatao, o kaya’y sadyang maging mapaglaro. Sana’y mabawi mo pa rin ang iyong puso kahit gaano man ito magdugo at masugatan.

Higit sa lahat, sana’y huwag mong sukuan ang iyong sarili, ang iyong mga pangarap, ang iyong kaligayahan, ang iyong ipinaglalaban, ang iyong nararamdaman, ang iyong karapatan. At sana’y lagi mong tatandaan na ang lahat ng ito ay mahalaga.

Sana’y mapatawad mo ang iyong sarili. Sana’y huwag mong isipin na hindi ka mahalaga, dahil lang sa mga naging pagkakamali, at dahil masama ang turing sa iyo ng iba. Marami ang kukutya sa iyo. Marami ang hindi susukli sa pagmamahal mo. Pero hindi sila ang bida sa kuwento mo.

Sana’y basahin mo ito nang bukas ang pag-iisip. Marami ka pang kailangang matutunan. Hindi ka ipinanganak na walang kamalian. Hindi ka nandito para laging gawin ang tama.

Sana’y malaman mo na ikaw ang may hawak ng iyong buhay, at may karapatan kang piliin kung ano ang mali at tama.

At sana, sa mga panahong malamig ang mundo, ikaw ang magsisilbing init nito. Sa mga sandaling galit at poot ang nangingibabaw, nandiyan ka upang magbigay ng pagmamahal. At sa mga araw na parang wala nang pag-asa, mangingibabaw ang iyong pananampalataya.

At sa lahat ng ito, sana’y lagi mong pipiliin ang sarili mo…

Note:sundan nyo lang po Yan gawa ka po sari mo nde po Yan Yung sagot dahil need mo Yung sarili mong sagot

Arigathank