Mga Panuntunan na Dapat Isagawa sa oras ng Biglaang pangangailangan o (Emergency Action Principles) IC 1. HUMINGI AGAD NG TULONG SA IBA. Humingi ng tulong sa iba upang makatawag agad ng ambulansya para sa mga biktimang may malalang kondisyon. Maaari ding humingi ng pag-alalay mula sa iba kung kinakailangan. 2.SIYASATIN ANG PINANGYARIHAN NG AKSIDENTE. Unang-una ay isipin muna ang pansariling kaligtasan. Mainam na magmasid muna sa paligid kung ito ba ay ligtas bago magsagawa ng paunang lunas sa mga biktima. Maaring ilipat sa ibang pwesto o lugar ang biktima kung kinakailangan ngunit dapat siguraduhin na ang biktima ay hindi magtatamo ng iba pang pinsala sa katawan sa proseso ng paglipat ng pwesto o lugar. 3. IHANDA ANG MGA KAGAMITANG PANG-MEDIKAL. Upang mas mapadali ang pagbibigay ng paunang lunas, makabubuti na ihanda ang mga kagamitang pang-medikal tulad ng bandaging tools, mga gamot, stretcher at iba pa para sa natamong pinsala ng biktima. Kung walang makitang mga kagamitan ay maaaring gumawa ng mga pansamantalang kagamitan tulad ng bandage na gawa sa malinis na damit, stretcher na gawa sa dalawang kahoy (mas mahaba sa biktima ng isang metro) at mga kamiseta. 4. ISAGAWA ANG PAGSISIYASAT SA BIKTIMA. Kung may malay ang biktima ay maaari siyang kapanayamin tungkol sa mahahalagang detalye tulad ng kaniyang pangalan, tirahan, at kung sino ang kaniyang mga kamag-anak na maaaring tawagan. Kung walang malay ang biktima, tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tao tulad ng temperatura ng katawan, tibok ng puso o pintig sa mga pulso, at paghinga. Upang malaman na humihinga ang biktima, maaaring tingnan ang dibdib kung ito ay gumagalaw. Maaari din itong pakinggan at pakiramdaman