1. Kapag ang isang indibidwal ay mayroong seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, halimbawa ay ang mga lalaki ay mas gustong lalaki ang makakalik at mga babae ay mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
A. Heterosexual
B. Homosexual
C. Lesbian
D. Transgender
2. Kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay isang.
A. Gay
B. Heterosexual
C. Homosexual
D. Transgender
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nakabatay sa tatlong salik sa usapin ng third sex?
A. Dikta ng Kalikasan
B. Dikta ng Lipunan
C. Domestic Violence
D. Sariling pagpipili at pagpapasiya
4. Sa Pilipinas, ang LGBT ay binigyan ng pagkakataong makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad sa estado MALIBAN sa isa.
A. Hanapbuhay
B. Homosexual Acts
C. Militar
D. Politika
5. Batay sa pag-aaral hiindi lamang kababaihan ang nakakaranas ng domestic violence kundi pati na rin ang mga kalalakihan. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng ganitong karahasan MALIBAN SA:
A. Humihingi ng tawad at nangangakong magbabago
B. Nagseselos at lagi nagdududa
C. Sinisisi ka sa kanyang pananakit
D. Sinisipa, sinasampal and anak at asawa
6. Ang prosesong ito ay isinasagawa sa paniniwalang walang behid dungis ang babae hanggang siya ay ikasal ito ay nagdudulot ng impeksyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan ng kababaihan.
A. Breast ironing
B. Female Genital Mutilation
C. Footbinding
D. Sex organ transplant
7. Ang breast ironing ay tradisyon na ginawawa sa kababaihan sa Cameroon sa kontinente ng Africa. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% na babaeng may edad na siyam ang apektado dito, Ipinapaliwanag ng ina na normal lamang ito sa kanila sa kadahilanang ang pagsasagawa nito ay para makaiwas sa pagkagahasa at maagang pagbubuntis. Paano maaaring ilarawan ang lipunang kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan at nakakalungkot dahil ang pagsasagawa nito ay base sa maling paniniwala
B. Ang pagasasgawa nito ay nagdudulot ng takot sa kababaihan pero wala silang magawa
C. Ito ay naglalarawan ng hindi pantay na pagtrato sa kababaihan.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno kung kayat ang kanilang lipunan ay apektado..
8. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga bikima nito. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy sa naturang batas?
A. Asawa at nakaranas ng pang-aabuso
B. May edad 15 pataas
C. Nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae
D. Walang asawa at mga anak
9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tugon ng mga pandaigdigang samahan sa karahasan at diskriminasyon?
A. Patuloy na pagpupulong at paghikayat sa maraming bansa na makiisa.
B. Patuloy na pagmonitor sa bawat bansa at pagtatag ng ahensiya na malalapitan ng mangangailangan
C. Pakikipagulong sa mga mambabatas o nakakataas sa bansa hinggil sa nauukol na isyu sa sa bansa
D. Tumibay ang pandigdigang relasyon ng mga bansa ukol sa usaping pang-ekonomiya