Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.
Ang mamamayan, pamahalaan, at kaunlaran ay maihahalintulad sa isang puno. Ang mamamayan ang ugat, ang pamahalaan naman ang katawan at ang kaunlaran ang bunga. Sa bawat isa, may kanya-kanyang mga gampanin.─
Buweno, ang relasyon ng tatlong ito ay magkakabuklod-buklod at masasabing tungo sa kabutihan ng bansa. Katulad na lamang ng mamamayan, ang mamamayan ang nakikinabang at nagpapalago ng isang bansa. Kung wala ito hindi makukumpleto ang isang bansa, ika nga "Ang tunay na kayamanan ng isang bansa ay ang kanyang mga mamamayan." Pangalawa, ang pamahalaan ang gumagabay, pinangangalagaan at pinaglilingkuran ang mga mamamyan. At ang huli ay ang kaunlaran, ang pagsusumikap at pagtutulungan ng mamamayan at pamahalaan ang kadahilanan ng kaunlaran. Ang resulta ng kanilang pagkakaisa ang naging daan sa kabutihang panlahat.
Talaga nga namang maihahalintulad ang puno sa mamamayan, pamahalaan, at kaunlaran. Kung ano ang katibayan ng ugnayan ng ugat at ang katawan ng puno ang siyang mareresulta ng malusog na bunga.