Ang akdang "Ang Alaga" ay may matinding tama o epekto sa akin bilang mambabasa. Hindi ko lubos maisip na ang biik pala ay maaaring gawing alaga tulad ng ilang nauusong alaga tulad ng mga mamahaling aso, pusa o ibon. Batay sa nabasa kong akda, si Kibuka ay nagdadalawang isip kung ang alagang baboy ay kakatayin o ipagbili. Para sa kanya ang pagkain ng kanyang alaga ay gawain ng isang "barbaric" na tao o barbarikong gawain.