C. Pagsanayan Mo! Panuto: Basahin at suriin ang teksto kung ito ay kathang-isip o di- kathangisip. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.
Ang Mahiwagang Usa (Kuwentong-bayan)
Si Anggo ang pinuno ng mga Aeta sa pamayanan ng Dibut. Siya ang pinakamagaling gumamit ng busog at pana sa kanilang lugar. Minsan naupo si Anggo. Isang usang ubod ang laki ang kanyang nakita. Noon lamang siya nakakita ng ganoon kalaking usa. Mabilis niyang pinana ito. Subalit nabaluktot lamang ang kanyang pana. Hindi ito tumusok sa malaking usa. Naupo si Anggo sa tabi ng sapa upang tuwirin ang nabaluktot niyang pana. Ngunit, napakaingay ng huni ng mga palaka. Kaya umalis si Anggo. Habang naglalakad, napansin ni Anggo na maraming batong sumusunod sa kaniya. Tumakbo siya. Nang halos dumikit na kanyang likuran ang mga sumusunod na bato, lalo pinabilis ni Anggo ang pagtakbo. Ngunit inabot din at dumikit ang mga bato sa katawan ni Anggo. Hindi na siya makatakbo. Unti-unti siyang naging bato. Yaon ang naging parusa sa kanya ni Minoli. Siya ang malaking usa na pinana ni Anggo. Si Minoli rin ang diwata sa kabundukan ng Dibut.
(Yung nasa pic ay Yun Ang sasagutan basahin nyo muna Ang kwento para maintindihan ninyo pagkatapos sagutin ninyo Yung nasa pic)