IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa maaasahan at pangkomunidad na mga sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ano po ang sagot sa tanong na bigkis o pagtutulungan para sa kapwa kapakinabangan                                                                                                                                          

Sagot :

 

          Ang pagtutulungan ay isang salitang kilos na kung saan nagmula sa salitang ugat na tulong. Ang pagtutulungan ay nangangahulugan ng sama-samang pagkilos ng mga tao upang mapadali ang isang mahirap na gawain, bagay, pagdedesisyon at pagkilos.Tulad lang iyan ng isang bigkis na  walis tingting kung ang gawain o paglilinis ay gagawin na gamit ang isang piraso ng walis hindo siya makakapaglinis ng maayos dahil nag-iisa lang ang tingting. Ibigsabihin kung ang paglilinis ay ginamitan ng isang bigkis na tingting mas napadali sana dahil marami siyang nalinis.

        Napakalaki ng nagagawa ng pagtutulungan sa ating kapwa na dapat na tinataglaglay  ng bawat isa. Ito ang kaugalian na mayroon dapat tayo dahil nasusukat dito kung paano ka kumilos na kasama ang iba.

         Sabi nga nila walang mahirap na gawain kung sama-sama sa paggawa. Gumagawa ang isa at nakikinabang ang iba. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon hindi laging isa lang ang makikinabang kailangan lahat hindi iisa lamang. Kaya ang pagtutulungan ay mahalaga sa ating lahat. Basta tatandaan natin ang pagtulong ay pagkilos sa kahit ano mang pagkakataon wala itong pinipiling tao ,oras , material, pinansyal o gaano kalaki mahalaga nakatulong ka at walang hinihintay na kapalit.

Para sa karagdaggang sagot, tingnan ang link:

kahalagahan ng pagtutulungan https://brainly.ph/question/1600186

https://brainly.ph/question/1818679

#BetterWithBrainly