IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.


1.Mabuting magkaroon ng magandang tahanan at magandang paaralan ang kabataan pero
kung isa lang ang pagpipilian, alin ang higit mong gugustuhin:​

Sagot :

Answer:

magandang paaralan , sapagkat aanhin mo ang magandang tahanan kung wala ka namang matututunan. Magandang paaralan sapagkat may matututunan kapa.

Answer:

Kung ako ang pipili at tatanungin kung anong ang aking gugustuhin, magandang tahanan ba o magandang paaralan?

Ang aking magiging kasagutan ay ang isang magandang paaralan. Ang edukasyon ay sadyang isang napakahalagang sandata para sa atin upang makaahon sa hirap at hamon sa buhay ng bawat isa. Sa pamamagitan ng isang magandang paaralan, mabibigyan tayo ng oportunidad na matuto at mabigyan ng magandang kalidad ng edukasyon. Kung tayo man ay papalaring makapagtapos galing sa magandang paaralang iyon at makahanap ng isang magandang trabaho, iyon ang magiging pagkakataon upang ating pagandahin ang ating tahanan.

Para sa akin, ang isang simpleng tahanan, hindi man maganda, ay ayos na basta't mayroon kang bahay na matutuluyan. Pagtapos mo ng iyong pag-aaral ay maaari mo na itong pagandahin sa paraang iyong ninanais.

Explanation:

My opinion lang po, hope it helps!

#carryonlearning