Panuto: piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. ( 1 puntos bawat bilang)
1.) “Mahal Kong Lea __” Alin sa mga bantas ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. ;
B. ,
C. :
D. “
2.) Ano ang gagamitin bantas sa pagsulat ng oras?
A. Panipi
B. Kolon
C. Kuwit
D. Gitling
3.) “Akala ko gusto Mong maging inphenyero”. Ang pagtataka ni Daniel. Ano-ano ang mga bantas na ginamit sa pangungusap?
A. Kuwit at Panipi
B. Tuldok at kuwit
C. Panipi at tuldok
D. Tulduk-tuldukan at kolon
4.) Talamak ang brain drain sa bansang pilipinas ngayon dahil sa mababang sahod na maibigay ng pamahalaan. Samantala sa ibang bansang maunlad ay nagsasahod ng mataas kaya nagbunga sa pagkahina ng ekonomiya ng pilipinas. Paano nakakaugnay ang mga pangungusap sa itaas?
A. Dahil sa paggamit ng tambalang pangungusap.
B. Dahil sa mga bantas na ginamit sa talata
C. Dahil sa mga salitang pang-ugnay na higit nagpapaliwanag sa talata.
D. Dahil sa nagpapahayag ito na kaisipan.
5.) “Ang reporter sa GMA ay pumanaw dahil sa sakit na Covid.” Ang salitang may salungguhit, alin sa mga alintuntunin sa pagbaybay ang ginamit?
A. Pagbigkas na pagbaybay
B. Pagsulat na pagbaybay
C. Panumbas sa mga Hiram na salita
D. A and B