Gawain 2: Gupit at Dikit Kagamitan: Isang buong bond paper (long), bolpen, gunting, at pandikit Panuto: Gumupit ng isang larawan tungkol sa mga signage o paalala sa pangangalaga sa kalikasan at idikit ito sa isang bond paper. Kopyahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat ito sa ibaba ng signage o paalala na iyong idinikit. 1. Tungkol saan ang signage o paalala? 2. Tinutupad mo ba ito o ng mga tao sa komunidad? Bakit? 3. Ano-ano ang dapat mong gawin upang maipalawig ang paalalang ito?