Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

halimbawa ng limang langkapan na pangungusap

Sagot :

Mga 5 Halimbawa ng Langkapan na Pangungusap

May 4 na uri ang mga pangungusap ayon sa pagkakabuo, kabilang ang mga sumusunod;

  • Payak
  • Tambalan
  • Hugnayan
  • Langkapan

Langkapan na Pangungusap

May pagkakapareho ito sa huynayang pangungusap ngunit ang langkapang pangungusap ay may  kahabaan kaya't nagkakaroon ng medyo masalimuot na pangungusap.

Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di makapag-iisa. Kadalasang bumubuo muna ng tambalang salita para madaling makabuo ng langkapang pangungusap at saka dugtungan ito ng sugnay na di makapag-iisa o pantulong na sugnay.

Mga 5 Halimbawa ng Langkapan na Pangungusap

  1. Makinig sa mga pangaral ng guro at mag-aral ng mabuti para sa iyong sariling kinabukasan.
  2. Darating ang panahon na kailangan mong mag-isip at magdesisyon ng wais dahil marami ang umaasa sa iyong desisyon.
  3. Dahil sa mga nangyayaring krimen sa bansa, kailangang kumilos ang pamahalaan at gumawa ng mga hakbang na nakakatulong sa paglutas nito.
  4. Gumawa ng marangal at tumulong sa mga kababayan na naapektuhan ng lindol dahil ito ang nararapat na gawain tuwing may kalamidad.
  5. Siya ay isang taong mapagmahal at mahabagin sa mga mahihirap na palaging tumutulong sa lahat ng oras ng pangangailangan.

Para sa iba pang detalye kung ano no ang langkapan pangungusap at halimbawa nito https://brainly.ph/question/296755

Mga iba pang halimbawa ng langkapang pangungusap https://brainly.ph/question/228830

Halimbawa ng pangungusap na Langkapan https://brainly.ph/question/297724