Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.
Sagot :
Ang sayaw na Bakya Dance ay isang katutubong sayaw na nagmula sa Pilipinas. Ang sumasayaw nito ay naka baro’t saya na pambansang kasuotan at naka bakya. Sinasayaw ito hawak-hawak ang mga bakya sa mga kamay at pinagdirikit ang mga ito kasabay ng saliw ng musika.
Kung nais mong malaman ang iba pang mga katutubong sayaw, maaaring magpunta sa link na ito: Listahan ng mga katutubong sayaw sa pilipinas: https://brainly.ph/question/1056079
Ano ang Bakya?
Ang bakya ay dating madalas na ginagamit na kasuotang pang-paa sa Pilipinas bago pa makilala ang sandalyas na goma. Ito ay gawa mula sa lokal na kahoy na magaan tulad ng santol at laniti.
Ito ay pinuputol sa ninanais na laki ng paa bago maahit hanggang sa kuminis. Ang gilid ng bakya ay sapat na makapal upang makaukit ng mga bulaklak, geometriko o disenyo ng tanawin.
Pagkaraan, ang bakya ay maaaring pintahan o barnisan, ayon sa nais ng tao na magsusuot nito. Sa itaas nito ay lalagyan ng tradisyunal na rattan o masikip na tela (o modernong plastic o goma) pagkatapos ay hihigpitan gamit ang maliliit na pako.
Isang panukalang batas sa Kongreso ng Pilipinas ang inilarawan ang bakya bilang pagkakaroon ng mga Filipino ng mapagpakumbabang simula. Ito ay iminungkahi bilang Pambansang kasuotang pang paa ng Pilipinas mula noong 2014.
Bakya bilang isang awitin
Naging pamagat din ito sa isang klasikong awiting katutubo na Ang Bakya Mo Neneng. Dekada 60 nang gamitin ito ni National Artist Lamberto Avellana bilang pantukoy sa mga taong hindi nakakaunawa sa pagtukoy sa isang mahusay na pelikula at sa mga probinsiyanong lumuluwas ng Maynila.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magpunta sa link na ito: Ano ang kahalagahan ng katutubong sayaw : https://brainly.ph/question/333478
#LetsStudy
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Huwag kalimutang bumalik at magtanong ng mga bagong bagay. Ang iyong kaalaman ay napakahalaga sa ating komunidad. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.