Ang malong ang tradisyonal na kasuotan na ginagamit ng mga
kababaihan na Maranao. Ang malong ay ginagamit ng iba’t ibang katutubo sa Timog
na bahagi ng Pilipinas at sa Arkipelago ng Sulu. Maaari itong magsilbing damit,
kumot, duyan, basket, at marami pang iba.
Ang tradisyonal na damit na ito ay hinabi ng kamay sa tulong
ng isang back strap loom. Pinapakita ng malong ang mga disenyo na aangkop sa
kinaugalian ng tribo. Ang mga malong na gawa sa bulak at silk ay mas mataas ang
presyo kumpara sa regular na mga malong. Ginagamit lamang ito tuwing may espesyal
na okasyon at para maipakita ang katayuan ng isang tao sa lipunan.