Ang pangunahing tauhan sa kwentong "Ang Alaga" ay si Kibuka. Si Kibuka ay binigyan ng kanyang paboritong apo ng isang biik upang maalagaan at para may matuunan siya ng panahon sa kanyang pagreretiro.
Kalakasan:
-Siya ay isang mapagkakatiwalaang Kawani sa Ggogombola Headquarters.
-Mapagmahal sa alagang biik.
Kahinaan:
-Dahil sa labis niyang pagmamahal sa alagang biik, halos nalimutan niya na ang mga taong tumulong sa kanya sa pagpapakain sa alaga. Nagtatalo sa kanyang isipan kung ito ba ay ipabili niya upang hati-hatiin ang pera o ito ba ay kakatayin upang mabigyan ang lahat ng taong tumulong sa kanya sa pagpapakain sa biik hanggang sa ito ay lumaki.