IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Tuklasin ang libu-libong mga sagot na na-verify ng mga eksperto at hanapin ang mga solusyong kailangan mo, anuman ang paksa.
Sagot :
Ang pangunahing tauhan sa akdang “Ang Alaga” ay si Kibuka.
Sino si Kibuka?
Si Kibuka ay isang mapagkakatiwalaang kawani sa Ggogombola Headquarters na nagretiro na. Siya ay nag-alaga ng isang biik na ibinigay ng kanyang apo na kalaunan ay napamahal sa kanya.
Mga kalakasan ni Kibuka:
- Isa siyang pamagkakatiwalaang kawani.
- Isang masipag at mapagmahal sa kanyang trabaho.
- Mapagmahal sa Apo.
- Mapagmahal sa alagang hayop.
Mga kahinaan ni Kibuka:
- Mabigat sa kanyang kalooban ang kanyang pagreretiro.
- Negatibo siya kung mag-isip tungkol sa kanyang sarili.
- Sobra- sobrang pagmamahal sa kanyang alagang baboy.
- Hindi iniisip ang sariling kapakanan.
Mga Tauhan sa akdang “Ang Alaga”
1. Kibuka- isang retiradong kawani at nag-alaga ng baboy.
2. Apo ni Kibuka- siya ang nagbigay sa alagang biik ni Kibuka.
3. Yosefu Mukasa- matalik na kaibigan ni Kibuka na nagtungo sa Buddu Country para sa pagnenegosyo.
4. Daudi Kulubya- nagmamalasakit kay Kibuka ng papilay-pilay siyang naglalalakad.
5. Musisi- ang Hepe ng Ggogombola.
6. Nathaniel Kiggundu- drayber ng motorsiklo na nakasagasa kay Kibuka at sa alaga nitong baboy.
7. Miriamu- kaibigan ni Kibuka at Yosefu Mukasa na masarap magluto.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kwentong "Ang alaga", maaaring magtungo sa link na ito: Uri ng maikling kwentong 'Ang Alaga' mula sa East Africa: https://brainly.ph/question/2029443
Buod ng akdang "Ang Alaga"
Hindi pa tanggap ni Kibuka na siya ay isa nang retirado. Gayunman, wala siyang magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran.
Dinalhan siya ng kaniyang apo ng isang alagang baboy. Noong una ay ayaw niya ring alagaan ito ngunit napilitan na rin siya.
Pinakain niya ang baboy hanggang sa lumaki ito. Dahil sa di maawat na paglaki ng baboy, naging pasakit na rin kay Kibuka ang pag-aalaga rito.
Wala na siyang maipakain. Ngunit mabubuti ang kaniyang mga kapitbahay at binibigyan ng pagkain ang baboy.
Isang araw, nang papunta si Kibuka sa sagradong puno, hindi sinasadyang nabundol sila ng isang motorsiklo. Hindi naman lubhang nasugatan si Kibuka ngunit nagkamit ito ng sugat sa balikat. Nang makabangon, agad niyang hinanap ang alaga.
Narinig nila ang kakaibang iyak ng baboy na kalaunan ay binawian ring buhay. Dumating ang mga pulis at pinayuhan si Kibuka na magpagaling muna.
Ngunit inaaalala niya ang baboy. Ayaw niya sanang kainin ito dahil pagtataksil daw iyon sa alaga.
Ngunit naisip niyang ipakatay na lamang ito habang sariwa pa ang laman. Ipinakain at inihanda niya ang karne ng alaga sa kaniyang mga kapitbahay na nag-alaga at nagpakain sa baboy noong nabubuhay pa.
Dumating ang kaibigang si Musisi at nakapagkuwentuhan sila ni Kibuka. Napasarap ang pag-uusap nila at kinain rin ni Kibuka ang pata ng alagang hayop.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksang ito, maaaring magtungo sa link na ito: Aral na napulot sa kwentong Ang Alaga: https://brainly.ph/question/506657
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Salamat sa pagpili sa IDNStudy.com. Umaasa kami na makita ka ulit para sa mas maraming solusyon.