Makahanap ng mga solusyon sa iyong mga problema sa tulong ng mga eksperto ng IDNStudy.com. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.
Sagot :
Answer:
Pa fall - isang pang-uri na salita na imbento ng mga millenials sa henerasyon ng kasalukuyan. Nangangahulugan itong pagbibigay o pagpapakita ng senyales ng pagkahumaling sa isang tao ngunit hindi o wala naman talaga.
Explanation:
Ang salitang "pa fall" ay maituturing na isang salitang balbal. Ang mga salitang balbal ay mga salitang impormal na kadalasang ginagamit sa pamamaraang pasalita kumpara sa pasulat. Ang salitang balbal ay specific lamang sa isang grupo. Sa kaso ng salitang pa fall, ito ay specific lamang sa mga millenials sa henerasyon ngayon. Kung mapapansin ay madalas itong bukambibig ng mga millenials lalong-lalo na ng mga kababaihan.
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga salitang balbal:
- yosi-sigarilyo
- tsekot-kotse
- kano-amerikano
- astig-tigas
- goli-ligo
- golets-let's go
- utol-kaputol
Ano ang mga senyales na Pa Fall ang isang tao?
- Ituturing kang espesyal pero hindi ganoon ka espesyal- May mga panahon na kailangan mo ng karamay, mga panahon na kailangan mo ng masasandalan nandoon sila sa mga panahong iyon, pero hanggang doon lang. Nandoon o nagpaparamdam lang sila kapag kailangan sila.
- Gusto ka niya pero hindi pa siya handa pumasok sa isang relasyon- Sa ganitong sitwasyon, dahil sa mahal na mahal mo siya ay patuloy parin ang relasyon mo. Maniniwala ka parin na hindi baka hindi pa nga siya handa sa isang relasyon. Patuloy kang maniniwala sa mga salitang pinapaniwala ka lang. Pero dapat mong tandaan, kung hindi siya handa para sa iyo ngayon, kailan pa siya magiging handa?
- Wala silang pakialam sa mga mahahalagang okasyon sa buhay mo- Kapag iniimbita mo siya sa isang mahalagang okasyon ang bilis humindi, walang pagdadalawang isip. Isipin mo, kung mahal mo ang isang tao bakit hahayaan o gugustuhin mong hindi makadalo sa espesyal na araw na iyon?
- Walang effort para kilalanin ka ng masinsinan- Wala man lang effort kamustahin ang araw mo, ilang kapatid meron ka at kung ano-ano pa. Kapag ang mahal mong tao ay hanggang sa pagsasabi nalang na mahal ka at walang pinapakitang effort na kilalanin ka ay malamang ikaw lang ang totoong nagmamahal, bumitaw ka na.
- Gusto niya na sikreto ang relasyon niyo- Kapag ganito siya, isang malaking BUMITAW KA NA! Kapag pinagpatuloy mo pa ay parang hinayaaan mo na sikretong masaktan ang puso mo ng wala man lang nakakaalam.
#BetterWithBrainly
---------
Para sa kragdagang kahulugan ng salitang balbal, basahin sa link na ito:
https://brainly.ph/question/1962792
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.