Ang nangingibabaw na suliranin na nangingibabaw sa akdang "Ang Alaga" ay ang labis na pagmamahal ng pangunahing tauhan sa kanyang alaga na humantong sa isang sitwasyon na hindi niya inasahan. Kagaya ng mga bagay na labis nating minahal dahil sa mga pakinabang na nakukuha natin dito ngunit hindi natin namalayang nawala na ito ng paunti-unti. Isa na dito ang pagkasira ng ating kalikasan. Ang kalikasan na nagbigay sa'tin ng pakinabang upang mabuhay sa mundong ibabaw ngunit, nang dahil sa maabusong aktibidad at kilos natin, unti-unti na itong nasisira.