IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng maaasahang sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Sagot :
Pagtatawag o Apostrophe
Ang pagtawag o apostrophe ay isa sa mga halimbawa ng tayutay na nagpapahayag ng damdamin sa bagay na walang buhay. Ang nagsasalita ay itinuturing na ang isang bagay ay nasa kanyang harapan ngunit wala naman.
Ang tayutay na ito ay ginagamit upang ipahayag ang matinding silakbo ng damdamin sa pamamagitan ng pagtawag; ginagawa ito sa isang sulatin upang mas mabigyan ng buhay o maipakita ang tunay na emosyon ng isang sitwasyon.
Mga halimbawa ng pagtatawag o apostrophe
- Oh kadiliman, nawa’y huwag mong sakupin ang buong sanlibutan sapagkat ako’y nababahala sa kinabukasan ng mga kabataan.
- Kagubatan...tao ay patawarin sa mga maling nagawa sa dating berdeng kulay mo.
- Kapuluan! Kapuluan, sadyang napakarami mo saan ko hahanapin pag-ibig nasaakin ay nakatadhana?
- Oh lindol! huwag mo kaming igupo; bagkus ito’y hudyat lamang ng isang paalala.
- Ulan nasaan ka? Ika’y kailangan ng madiligan man lang itong puso kong nakalimot na.
- Apoy ika’y huwag magpakita sa mga kabataang hanap ka upang mailigtas kanilang kinabukasan.
- Bibliya salamat saiyong gabay nawa’y magsilbi ka sa lahat ng nais magbago.
- Oh bagyo lubhang takot ang dala mo, tanging kalupitan lamang ang ipinararanas mo; nawa’y pag-ibig ko’y hindi katulad mo.
- Bato oh bato bakit ba sadyang kay tigas mo bawat pukol mo ay ipinagdurusa ko.
- Karagatan ako sa iyong lawak ay lubhang namamangha; kayamanang bigay mo’y kaydaming natutuwa.
- Salamat salamat munting bahay kubo sapagkat ako’y iyong pinatuloy.
- Puno ng niyog ika’y sadyang kaagapay ng mga magsasaka at mamamayan; laging pakatandaan ika’y iingatan.
Para sa karagdagang halimbawa ng pagtatawag o apostrophe magtungo lamang sa link na nasa ibaba.
https://brainly.ph/question/1655175
https://brainly.ph/question/250885
https://brainly.ph/question/209937
#LearnWithBrainly
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!