Mga Salawikain patungkol sa kabutihan,
kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.
1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman
3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag
na dakila
6. Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng
takdang panahon
7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang
igayak ang sarili
10. Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang
lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim