Ang akdang ito ay tungkol sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng sining. Ito ang pinakamabisang paraan upang tuluyang makamit ang tunay na kalayaan na walang dumanak na dugo at walang patayang nagaganap. Tanging tilamsik ng sining ang gamit tulad ng pagpipinta sa kanbas, pagsasayaw sa himig ng kadakilaan ng ating bayani, o pagsulat ng isang akdang naglalaman ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng kalayaan.