IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Makakuha ng mga kumpletong sagot sa lahat ng iyong mga tanong mula sa aming network ng mga eksperto.
Ang tono, diin, at haba ay mga ponemang suprasegmental. Narito ang kahulugan ng bawat isa:
Sa Ingles, ito ay pitch. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng pagbibigkas ng pantig ng salita. Nakatitulong ito upang mas mailahad ng maayos ang pahayag. Ang bilang 1 ang mababa, 2 katamtaman at 3 para sa mataas.
Halimbawa:
Kanina - 231 (nagpapatibay)
Kanina - 213 (nagtatanong)
Sa Ingles, ito ay stress. Ito naman ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas ng pantig ng salita. Ang malaking titik ang binibigyang diin.
Halimbawa:
BU:hay - kapalaran
bu:HAY - hindi patay
Sa Ingles, ito naman ay length. Ito ay ang haba ng bigkas sa patinig ng isang pantig.Ginagamit ang tuldok para ipahayag ang haba.
Halimbawa:
bu.kas - susunod na araw
bukas - hindi sarado
Para sa kahulugan ng ponemang suprasegmental, basahin sa link:
https://brainly.ph/question/463840
#BetterWithBrainly